Sunday, December 18, 2011

AKING MUNTING PASKO

Aking Munting Pasko

Nalalapit nanaman ang pasko,
Ang pasko kung saan ika'y malayo.

Tuwing sasapit ang pasko,
Ang nais ko'y makasama mo.

Ang munti mong ngiti,
Ang mapupula mong labi,
Ay ang aking minimithi.

Sana may pasko sa aking buhay,
na ika'y aking kaakbay.

Sana dumating ang pasko na ang iyong mga kamay
Ay nakakapit sa mga puwang ng aking mga kamay.

Nais kong maramdaman ang iyong yakap
Sa malamig na paskong lahat ay may ka-akap.

Sana dumating ang araw na ika'y magpapasko
At nagdiriwang kasama ko.

Mahal kita at ako'y maghhintay sa paskong aking pangarap
Hanggang sa panahong ang diyos ay nasa aking harap.

Aking munting pasko, sana'y dumating ka na......

by: Alfred John B. Lajom

No comments:

Post a Comment